Nagsagawa ng unity ang walk ang grupo ng mga guro, kahapon o isang araw bago ang pagdiriwang ng World teachers day.
Ito ay upang muling ipanawagan ang omento sa sahod ng mga guro.
Sa privilege speech naman ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) partylist representative France Castro, kanyang hinimok ang publiko na patuloy na suportahan ang mga guro at ang mga hindi matatawaran nilang kontribusyon sa lipunan.
Aniya, dapat matiyak na mabibigyan ng proteksyon at garantiya ang karapatan ng mga guro.
Dagdag ni Castro, sa kabila ng ilang mga napagtagumpayan ng mga guro tulad ng chalk allowance gayundin sa uniporme, patuloy pa ring nilang ipinaglalaban ang pagkakaroon ng katanggap-tanggap na taas sweldo.
Kasabay nito kinondena rin ng mambabatas ang patuloy na red tagging o pag-uugnay sa kanila ng militar at pulisya sa mga rebelde.