Pinakakasuhan ng isang Kongresista ang mga indibidwal na nagpapadala ng spam message.
Sa House Bill 270 na inihain ni Tarlac Rep. Christian Teil Yap, layunin ng panukala na maging responsable at maayos ang mga negosyante sa pagpapadala nito ng Marketing at Sales Agents message.
Kailangan muna ng mga itong humingi ng consent sa kanilang subscriber bago magpadala ng commercial, promotional advertisements o push message.
Oras na maisabatas, pagmumultahin ng 50,000 hanggang 100,000 pesos ang mga lalabag bukod pa sa parusang ipapataw ng National Privacy Commission.