Sinusuyod na ng PNP Anti-Cybercrime Group ang website ng mga kumpaniyang nanghihingi umano ng donasyon para sa mga nabiktima ng gulo sa Marawi City.
Ayon kay S/supt. Michael Angelo Zuñiga, pinuno ng Anti- Cybercrime Group ng PNP, nais lamang nilang masiguro na lehitimo ang ginagawang fund raising ng mga ito.
Babala pa ni Zuñiga, maaaring makasuhan ng estafa ang mga foundation o may-ari ng website na nanghihingi ng donasyon ngunit hindi naman nakarating sa mga biktima ng Marawi Siege.
Bagama’t aminado ang hepe na wala pang nagrereklamo hinggil sa mga umano’y pananamantala, pinayuhan pa rin niya ang publiko na suriing mabuti ang mga website kung lehitimo at kung tunay na napupunta sa mga biktima ang ipinadadala nilang tulong.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal
Mga grupong nanghihingi ng donasyon para sa mga biktima ng Marawi Siege binabantayan ng PNP was last modified: June 29th, 2017 by DWIZ 882