Nagsanib puwersa ang mga militante at grupo ng mga konsyumer na kontra sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Tinawag ang kanilang grupo na Stakeholders Oppose to TRAIN o STOP TRAIN.
Ayon sa nasabing grupo, labis na nararamdaman ang epekto ng TRAIN Law dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin partikular na ang produktong petrolyo at bigas.
Anila dahil sa TRAIN Law ay naapektuhan na ang mga malilit na negosyo na maaaring humantong sa pagsasara nito.
Habang ang iba pang kumpanya ay nagbabawas na ng kanilang manggagawa.
Samantala, magkakasa ng Black Friday Protests ang ‘Stop TRAIN’ simula sa unang biyernes ng Marso bilang bahagi ng kanilang pagsusulong na mabawi ang TRAIN Law.
—-