Dahil sa malamig na klima sa bayan ng Atok sa Benguet, nabalot na ng frost o andap ang mga gulay na pananim sa lugar.
Subalit hindi nababahala ang mga magsasaka kahit 3 araw nang inaandap ang kanilang mga pananim.
Ayon sa kanila, wala naman itong magiging epekto sa produksyon, gayundin sa presyo ng kanilang mga gulay.
Tinatayang nasa 5 hanggang 7 degrees celsius ang inaabot ng temperatura sa naturang bayan.