Bumagsak ang presyo ng iba’t ibang gulay mula sa Benguet.
Kasunod ito ng pagbaha ng suplay ng mga gulay tulad ng repolyo sa mga pamilihan ng Benguet dahil sa maagang pag-ani ng mga magsasaka sa kanilang pananim.
Ayon sa mga magsasaka, kinailangan nilang anihin nang maaga ang kanilang mga tanim na gulay para maiwasang masira ng patuloy na pag-ulang nararanasan sa lalawigan.
Dahil dito, bumagsak sa 10 hanggang 12 pesos kada kilo ang presyo ng ilang mga gulay sa Benguet.