Umakyat na sa 45,156 ang total recoveries ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y ayon sa PNP Health Service ay matapos madagdagan ng 595 ang bilang ng mga bagong gumaling sa sakit.
Gayunman, may 186 pa rin ang naitalang bagong kaso ng virus sa hanay ng pulisya kaya’t sumampa na sa 47,603 ang kabuuang kaso nito.
Mula sa nabanggit na bilang ay nasa 2,321 ang aktibong kaso habang wala namang bagong nasawi kaya’t nakapako pa rin sa 126 ang total death toll. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)