Bumaba sa 11% ang mga taong nagsusuot ng face shield sa mga nakalipas na buwan.
Batay sa pag-aaral ng OCTA research team sa pamamagitan ng kanilang tugon ng masa national survey.
Nasa 70% ang nagsasabing nagsusuot pa rin sila ng face shield kapag lumalabas ng kanilang tahanan.
Samantala, nananatiling mataas ang bilang ng mga nagsusuot ng face mask sa araw-araw na nasa 89% na sinundan ito ng mga gumagamit ng alcohol na nasa 85%.
Bukod dito, natukoy rin na 64% sa mga ito ay sumusunod pa rin sa physical at social distancing.
Ang naturang survey ay isinagawa noong ika-12 hanggang ika-18 ng Hulyo na mayroong higit isang libong participants na may edad na 18 pataas.