Balik pakikipagbakbakan na ang mahigit 300 sundalong nasugatan laban sa natitirang miyembro ng grupong Maute sa Marawi City.
Ayon kay Joint Task Force Marawi Spokesperson Captain Jo- Ann Petinglay, balik ‘main battle area’ na ang mga sundalong pawang ‘minor injuries lang naman ang natamo.
Aniya, nais ng mga ito na matulungan ang kanilang mga kasamahan at maging bahagi ng pagpapalaya sa lungsod mula sa kaguluhan.
Sinabi pa ni Petinglay na maliit na bahagi na lang ng marawi ang nananatiling kontrolado ng mga terorista at nasa limampung bihag na lang ang hawak ng mga ito.
Maranao troops pray at Marawi mosque for first time since clashes began
Sabay-sabay na nanalangin sa unang pagkakataon ang 23 Muslim na sundalo at pulis sa isa sa mga mosque na nabawi nila sa Maute-ISIS group matapos sumiklab ang bakbakan noong Mayo sa Marawi City.
Ayon kay WESMINCOM Commander Lieutenant General Carlito Galvez hinihimok nila ang mga miyembro ng kanilang hanay na ipagpatuloy ang kanilang relihiyosong paniniwala sa gitna ng nangyayaring giyera.
Dagdag pa ni Police Superintendent Ebra Moxsir, isang ‘imam’ na nanguna sa panalangin, mahalagang magkaisa at manalangin ng mataimtim ang mga Muslim upang kanilang malabanan ang terorismo.
Narekober din ng militar ang tinatawag na “baital” o donation box sa Islamic center ngunit wala na itong laman.
Sa ngayon, tatlong mosque at ilan pang gusali na hawak ng mga terorista ang target mabawi ng tropa ng pamahalaan.
By Arianne Palma