Nakapagtala ng may kabuuang 511,755 ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos madagdagan ng aabot sa 14 mga kaso ang gumaling sa naturang virus.
Sa inilabas na case bulletin ng Department of Health (DOH), umabot na sa 550,860 ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdagan ng 1,685 na mga bagong kaso.
Nasa 27,588 o 5.0% naman ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, nasa may kabuuang 11,517 naman ang naitalang nasawi matapos madagdagan ng dalawang kaso ng mga nasawi.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,685 ngayong Lunes, Pebrero 15.
Pumalo na sa kabuuang 550,860 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 27,588 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/lpfWoeEINE
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 15, 2021