Nadagdagan ng 82 ang bilang ng mga Pilipinong gumaling sa COVID-19 sa labas ng bansa.
Dahil dito, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), pumalo na sa 9,301 ang total recoveries.
Batay sa pinakahuling case bulletin, nagkaroon ng 133 na bagong kaso dahilan upang umakyat sa 14,791 ang kabuuang bilang impeksiyon sa hanay ng mga Pinoy sa ibayong dagat.
Sa nabanggit na bilang, nasa 4,478 ang active cases.
Samantala, sumirit naman sa 1,012 ang death toll kasunod ng pagpanaw ng 33 pang Pinoy abroad.