Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa Pilipinas.
Batay kasi sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), nagkaroon ng 7,701 na bagong recoveries kaya’t sumampa na sa 1,232,986 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Nakapagtala rin ang DOH ng 7,302 na bagong kaso dahilan upang sumirit sa 1,315,639 ang total confirmed cases sa bansa.
Sa nasabing numero, nasa 59,865 ang mga aktibong kaso.
Samantala, dahil naman sa pagpanaw ng 137 pang pasyente, sumampa na sa 22,788 ang death toll sa buong kapuluan.