Umakyat nasa 363,888 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 matapos madagdag ang 1,664 na bagong infection.
Ayon sa DOH, 843 pang pasyente ang gumaling sa COVID-19 kaya’t pumapalo na sa 312,333 ang total recoveries.
Samantala umakyat sa 6,783 ang death toll nang maitala ang 38 bagong nasawi sa naturang virus.
Naitala ang active cases sa 44,772 na sumasailalim sa gamutan o quarantine kung saan 83.6% ang mild, 11.2% ang asymptomatic, 1.9% ang severe at 3.3% ang critical condition.
Mahigit 4.2 milyong indibidwal na ang naisailalim sa COVID-19 test ng 149 licensed laboratories ng bansa samantalang okupado na ang 45% ng COVID-19 ICU beds at 22% naman ng mechanical ventilators ang nagamit.
Una nang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakaapekto sa kapasidad nilang ma detect at mai-report ang mga kaso nang suspensyon ng COVID-19 testing ng Philippine Red Cross.