Nadagdagan ng 551 ang bilang ng mga gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Dahil dito, ayon sa Department of Health (DOH), umakyat na sa 459,737 ang total recoveries o 92.6% ng lahat ng impeksiyon sa bansa.
Batay sa COVID-19 bulletin ng DOH, nakapagtala ito ng 2,048 na bagong kaso dahilan upang pumalo sa 496,646 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases.
Pinakamaraming bago ang naitala sa Bulacan na 98 new infections na sinundan ng Davao City, 89; Pangasinan, 84; Maynila, 80; at Leyte,73.
Samantala, sumampa na sa 9,876 ang death toll sa bansa bunsod ng pagpanaw ng 137 pasyente.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,048 ngayong Biyernes, Enero 15.
Pumalo na sa kabuuang 496,646 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 27,033 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/LJfCnCP4Jq
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 15, 2021