Nakapagtala ng may kabuuang 487,574 na mga gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos madagdagan ng 27 na mga indibidwal ang gumaling sa naturang virus.
Bumaba naman sa 28,891 o 5.5% ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19.
Sa inilabas na case bulletin ng Department of Health (DOH), umabot na sa 527,272 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 matapos madagdagan ng 1,658 na panibagong kaso.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,658 ngayong Lunes, Pebrero 1.
Pumalo na sa kabuuang 527,272 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 28,891 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/ysIBbXNwrU
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 1, 2021