Nadagdagan ng 148 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Pilipinas.
Dahil dito, ayon sa Department of Health (DOH), pumalo na sa 399,457 ang total recoveries na sinasabing katumbas ng 91.5% ng kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa buong bansa.
Batay sa pinakahuling COVID-19 bulletin, nakapagtala ang ahensya ng 934 na bagong kaso dahilan upang umakyat sa 436,345 ang bilang ng coronavirus infections kung saan nasa 28,379 na lamang ang aktibong kaso.
Napag-alaman na Quezon City ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso na 75, sinundan ng Laguna (59), Baguio City, Bulacan, at Davao City na tig-34 na bagong COVID-19 cases.
Samantala, sumirit na sa 8,509 ang death toll sa buong bansa matapos pumanaw ang 63 pang pasyente.