Pumapalo na sa mahigit 3,000 ang bilang ng mga nakak- recover na pasyente sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) hanggang kahapon, May 22; 92 ang nadagdag sa mga bilang ng recoveries mula sa nasabing sakit.
Samantala sumampa na sa halos 14,000 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa at mahigit 9,000 ang aktibong kaso dito.
Ayon sa DOH, 163 ang bagong napaulat na kaso sa bansa sa nakalipas na magdamag kung saan 56% o 91 kaso ay mula sa National Capital Regio; 56 cases o 34 % ay mula sa Region 7 at 16 cases o 10% ay mula sa iba pang lugar.
11 naman ang nadagdag sa COVID-19 related deaths kaya’t nasa 857 na ang death toll mula sa nasabing virus.