Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ito ng 9,737 na bagong COVID-19 recoveries.
Bunga nito, sumampa na sa 522,843 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit sa Pilipinas.
Nakapagtala rin ang DOH ng 1,888 na bagong kaso kaya’t sumirit na sa 561,169 ang total coronavirus cases kung saan nasa 26,238 naman ang mga aktibong kaso.
Samantala, umabot na sa 12,088 ang death toll matapos pumanaw ang 20 pang pasyente.