Nadagdagan ang mga gumaling sa COVID-19 sa mga overseas Filipino.
Matapos nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA), ng isa pang nakarekober sa virus sa mga Pinoy abroad.
Batay sa datos, umakyat na sa 8,461 ang total recoveries ng mga Pinoy sa ibayong dagat.
Sumirit naman sa 13,022 ang kabuaang bilang na tinamaan sa coronavirus, matapos mahawaan ang 4 pang overseas Pinoys sa sakit.
Sa bilang na ito, nasa 845 ang nasawi kasunod ng pagpanaw ng 1 pang Pinoy mula ibang bansa.
Samantala, nasa 3,626 pang mga Pinoy abroad ang patuloy na nagpapagaling sa coronavirus. —panulat ni John Jude Alabado
11 January 2021
Today, the DFA reports 4 new COVID-19 cases, 1 new recovery, and 1 new fatality among Filipinos in Middle East and Africa. To date, the total number of countries and territories with confirmed cases among Filipinos remains at 84. (1/2)@teddyboylocsin pic.twitter.com/N4Ill2fGdt
— DFA Philippines (@DFAPHL) January 11, 2021