Lumobo na sa kabuuang 809,959 ang bilang ng mga nakakarekober sa COVID-19.
Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH), ito’y makaraang maitala ang 21,664 na mga bagong nakarekober sa virus.
7,379 naman ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 dahilan para umakyat ang bilang na ito sa 953,106.
Habang 93 naman ang naitalang bagong nasawi kaya’t nasa 16,141 na ang total deaths sa bansa.
Sa kaparehong datos na inilabas ng DOH, may 127,006 pa ring indibidwal ang nananatiling aktibo sa COVID-19.