Pasado na sa House of Representatives ng Florida ang panukalang batas para armasan ang mga guro at empleyado ng paaralan sa Florida.
Ang panukala ay ipinasa, ilang linggo matapos ang pamamaril sa isang paaralan sa Parkland na kumitil sa buhay ng 17 estudyante.
Ayon kay House Speaker Richard Corcoran, animnapu’t pitong (67) mambabatas ang pumabor na armasan ang mga guro samantalang limampu (50) ang tumutol.
Nakatakdang ipadala ang panukala kay Republican Governor Rick Scott upang maisabatas.
Wala pang pahiwatig si Scott kung ive-veto ang naturang panukala.
—-