Namahagi ng new normal education package ang pamahalaang lungsod ng Taguig sa mga estudyante’t guro sa mga pampublikong paaralan ngayong nagsimula na ang school year 2021-2022.
Ayon kay Taguig City Education Office Chief Dr. George Tizon, nasa mahigit 134,000 mga mag-aaral ang naka-enroll sa kanila para sa taong ito.
Tumanggap sila ng iba’t ibang kagamitan tulad ng P.E. uniform, school bag, school uniform, kapote, modules, school supplies, emergency bag at emergency kit.
Maliban dito, tumanggap din ng anti COVID-19 kits at personal protective equipment o PPE’s ang nasa 5,000 guro upang maging pananggalang nila sa banta ng iba’t ibang variant ng virus.
Una nang ipinagmalaking pamahalaang lungsod na nakamit na nila ang herd immunity matapos makapagturok ng may isang milyong bakuna sa mga residente nito.