Isasalang na sa mandatory drug testing ang mga guro at mga estudyante sa grade four pataas.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nakipag ugnayan na sila sa Department of Education kung paano ito ipatutupad.
Sinabi ni Aquino na bukas naman si Education Secretary Leonor Briones na isalang sa drug test ang mga estudyante kung may pag sang-ayon ang kanilang mga magulang.
Ayon kay Briones, ang gumugulong na drug test ay hindi banta o magiging batayan upang i-kick out sa paaralan ang sinumang estudyante na mag-po-positibo sa paggamit ng iligal na droga.
Sa halip aniya ay sasailalim sa intervention program o treatment sa isang DOH-accredited facility ang estudyanteng babagsak sa drug test
Sa series of arrest na ginagawa natin, naiinvolved na ang mga estudyante tska mga teachers, ang youngest nga na naitatala namin ay 10 years old. Pahayag ni Aquino