Dapat i-prayoridad ang mga guro at iba pang teaching staff sa COVID-19 vaccination.
Ito ang inihayag ng World Health Organization (WHO) upang maipagpatuloy ang face-to-face classes sa mga paaralan lalo sa Europe at Central Asia.
Ayon sa WHO, dapat ay isinasama sa target population groups ng vaccination plans ng mga gobyerno ang mga nasa sektor ng edukasyon.
Nobyembre noong isang taon nang irekomenda ito ng WHO bago pa magsimula ang vaccination roll-out.
Sa Pilipinas, nito lamang Abril inaprubahan ng Inter -Agency Task Force na mapabilang sa A4 group sa vaccine priority list ang mga teaching personnel mula sa B1 category. —sa panulat ni Drew Nacino