Posibleng hindi agad makapag – christmas break ang mga estudyante at guro sa ilang paaralan na apektado ng nakalipas na lindol sa North Cotabato.
Ayon kay Cotabato School Division Superintendent Omar Obas, pinag-aaralang mailipat ang christmas break sa December 20 sa halip na sa December 13.
Aniya, kailangan pa ng karagdagang panahon upang mahabol ang mga leksyon na hindi natalakay noong nagkaroon ng suspensiyon sa klase ng halos isang buwan matapos na tumama ang lindol.
Naipasa na aniya ang rekomendasyon at hinihintay na lamang ang pag-apruba dito ng DepEd.