Inihayag ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC) na handa na ang mga guro sa pagbubukas ng klase sa Agosto a-22.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni TDC Chairman Benjo Basas na ang mga guro rin ang namamahala sa mga preparasyon para sa darating na pasukan.
Nananatili naman sa isang teacher kada 50 estudyante ang aggregate ratio na ayon kay Basas ay hindi magandang numero sa mga silid-aralan bilang pagsunod sa umiiral na health protocols.
Ani ni Basas, masyado itong congested kumpara sa international na standard na isang guro kada 25 hanggang 30 estudyante kada classroom. – sa panulat ni Hannah Oledan