Nagbanta ang mga guro na magkakasa ng malawakang tigil – pagtuturo kasabay ng World Teacher’s Day sa October 5, 2019.
Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Chairperson Joselyn Martines, gagawin ang kilos protesta kung hindi mapagbibigyan ang kanilang hirit na umento sa sahod.
Aniya, nakikipag-ugnayan na sila sa iba pang grupo ng mga guro sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kaugnay sa gagawing rally.
Una nang hiniling ng mga guro na gawing P30,000 ang sweldo ng teacher 1 habang P31,000 para sa instructor 1.