Mas nais ng mga guro na magtrabaho sa mga school facilities kaysa sa loob ng kanilang mga tahanan sa kabila ng banta sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang inihayag ni Department of Education (DepEd) Secretary Leoner Briones, batay na rin sa natatanggap na komento ng kagawaran mula sa mga guro.
Ayon kay Briones, nakikita ng mga guro ang mga paaralan o kanilang opisina bilang mas kaaya-ayang lugar para sa pagtatrabaho.
Gayunman, tiniyak ni Briones na pinag-aaralan pang mabuti ng Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga bahagi sa loob ng mga eskuwelahan kung saan maaari lamang magtrabaho ang mga guro.
Iginiit ni briones na isa pa rin sa pangunahin pinagtutuunan ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga guro.