Hinamon ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines ang presidential aspirants at iba pang kandidato sa 2022 Elections na isama sa kanilang plataporma ang mga issue sa sektor ng edukasyon.
Tinukoy ng ACT-Philippines na dapat bigyang-pansin ng mga kandidato ang sweldo, edukasyon, kalusugan, hanapbuhay at karapatan ng mga guro.
Ayon kay ACT Secretary-General Raymond Basilio,batid naman ng lahat kung paano tinalikuran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga guro dahil sa kabiguang tuparin ang mga pangakong tulad ng doble-sahod.
Dahil malapit na ang eleksyon, dapat lamang anyang gamitin ng mga guro ang kanilang kapangyarihan bilang mga mamamayan na ihalal ang sinumang siseryoso sa kanilang mga hinaing.
Iginiit ni Basilio na hindi nila hahayaang mangyari muli ang mga napakong pangako ni pangulong dutertesa halip ay mananawagan ng pagbabago at katuparan sa mga pangako para sa sektor ng edukasyon. —sa panulat ni Drew Nacino