Nag-rally ang mga guro na miyembro ng Alliance of Concerned Teachers sa Commission on Elections sa Intramuros, Maynila.
Ito’y upang isulong ang pagtanggal sa 20% tax sa honorarium para sa Board of Elections Inspectors sa Halalan 2022.
Ayon kay ACT Secretary-General Raymond Basilio, hindi pa rin natutugunan ng Comelec ang ilan sa apela ng nasa 300-K gurong magsisilbi sa eleksyon.
Dapat anyang tiyakin ng poll body na may sapat na budget ang mga guro upang masigurong maayos ang 2022 National at Local elections sa Mayo a – 9.
Isinusulong ng ACT-Philippines na dapat matanggap ng mga teacher na kabilang sa Board of Election Inspectors ang buong honoraria at allowances.