Isinusulong ngayon ng dalawang mambabatas ang panukalang batas na magbibigay ng P2,000 buwanang allowance sa mga guro sa public schools.
Para ito sa pagbili ng mga kinakailangang kagamitan na magagamit ng mga mag-aaral ngayong face-to-face classes.
Sa House Bill 3543 na inihain nina Representatives Paolo Duterte ng Davao City at Eric Yap ng Benguet, layunin ng mga itong gawing tax-free ang mga teaching supplies.
Gayunman, gagawing mandato pa rin ng panukala sa Department of Education na maglaan ng periodic review sa Teaching Supplies Allowance.
Kukuhanin ang pondo sa taunang budget ng DepEd alinsunod sa National Budget ng Gobyerno.