Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga guro at non-teaching personnel hinggil sa pag-iwas sa mga political activities kasabay ng nalalapit na May 2019 midterm elections.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ipinagbabawal sa ilalim ng Civil Service Law ang pakikiisa ng mga guro sa mga aktibidad ng mga pulitiko at iba pang may kinalaman sa eleksyon.
Kabilang din sa ipinagbabawal ng Civil Service Commission (CSC) para sa mga guro ang pagbubuo ng organisasyon na bumibili ng boto, pagsusulat ng mga talumpati o balita sa mga kandidato at pamimigay ng campaign materials.
Maliban dito, mariin ding tinututulan ng komisyon ang pagtanggap ng mga guro ng suhol, pagsusuot ng t-shirt na pagkampanya at pagiging watcher sa ilalim ng isang kandidato o partido.
—-