Puwedeng tumulong sa national vaccination rollout ng gobyerno ang mga guro.
Ito, ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ay sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa bakuna.
Gayunman, nilinaw ni Briones na limitado lamang sa information dissemination ang maaaring maging ambag ng mga titser sa programa dahil ang pag-administer ng bakuna ay nangangailangan ng medical training.
Matatandaang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na planong isalang sa training ng Department of Health ang mga pharmacists at midwives upang makatulong sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.