Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng dagdag na sahod ang mga guro.
Sinabi ng Pangulo na bukod sa mga sundalo at pulis, susunod ding makatatanggap ng umento sa sahod ang mga guro dahil batid nito ang buhay ng ordinaryong mamamayan.
Inaayos na lamang aniya ang ipinangako nito sa mga sundalo at pulis at pagkatapos ay susunod na ang mga pampublikong guro sa buong bansa.
Gayunman, hindi tinukoy ng Presidente kung magkano ang itataas sa sahod ng mga guro at kung dodoblehin din ba ito kagaya ng ipinangako sa mga sundalo at pulis.
By: Meann Tanbio