Nanawagan ang grupo ng mga guro sa DEPED na bumalangakas ng kasunduan upang matiyak ang tulong sakaling dapuan ng COVID-19 ang isang gurong bahagi ng pilot implementation ng face-to-face classes sa low risk areas.
Ayon kay Teachers Dignity Coalition o TDC Chairman Benjo Basas, bukas sila sa pakikipag-usap sa DEPED hinggil sa issue at dapat ay handa ang kagawaran na lumagda sa isang dokumento.
Ipinunto ni Basas na sa kabila ng kahalagahan ng pilot implementation ng face to face class, mahalaga ring tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyante, magulang at mga guro na kabilang sa dry run.
Bagaman wala pang komento ang DEPED sa hirit ng TDC, una ng naglabas ng guidelines ang kagawaran at Department Of Health, kung saan pawang fully vaccinated na school personnel lamang ang maaaring lumahok sa pilot implementation.
Aarangkada ang face to face classes simula Nobyembre 15 sa 30 paaralan sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19 cases.—sa panulat ni Drew Nacino