“All systems go” na ang mga guro na magsisilbi sa Halalan 2022.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Teachers Dignity Coalition o TDC chairman Benjo Basas na nasa 640,000 na mga guro ang magsisilbi sa Lunes batay sa datos ng Department of Education (DEPED).
Binigyang-diin naman niya na 20% tax pa rin ang ibabawas sa sahod ng mga guro.
For this election po ng 2022 ay aabot ng 10,000 ‘yung total gross…ang problema d’yan meron pa rin tayong mga taxes…20 percent po na taxes would be impose po sa ating mga teachers. 10,000 at 9,000 doon sa members ng electoral board.
Samantala, nanawagan ang ilang mga guro hinggil sa kanilang transportation allowance na hindi ibinigay.
Hindi nabigyan ng transportation allowance so ‘yung iba hindi pa nakakapagmiryenda eh…inaasahan natin ‘yan dahil sa general instruction ‘yan ng comelec. During the final testing at sealing that day ay ibibigay ‘yung atleast 1,000 pesos na transpo allowance. Ang total nito ay 2,000 pesos pero ang mandato ng Comelec ay ibibigay ‘yung first half sa final testing at sealing and the other half ay ibibigay sa election day.