Aminado ang Commission on Elections (COMELEC) na hindi basta-basta na maipagpapaliban ang May 9 national at local elections.
Muling iginiit ni COMELEC Chairman Andy Bautista na makakaapekto sa kanilang timetable ang direktiba ng Korte Suprema na mag-issue ng voter receipts.
Binigyang-diin ni Bautista na kung mas maaga sana sila naabisuhan ng kataas-taasang hukuman ay napaghandaan nila ito.
“Ang isyu po talaga is panahon eh kumbaga kung ito’y sinabi sa amin ng maaga puwede namang paghandaan pero ngayon 60 days before the elections, pinag-aaralan po namin kung ano ang mga puwedeng gawin, all options are being considered kasi nga ang issue is dahil nga sa direktiba na mag-isyu ng resibo papano ito makakaapekto sa timetable at kung kailangan po ng dagdag na panahon eh baka nga po yan ang isang option na kailangan gawin, pero alam naman namin na hindi puwedeng basta-bastang gawin yan eh.” Ani Bautista.
Inamin din ni Bautista na hindi nila na-train ang mga guro na magsisilbing board of election inspector o BEI sa pag-i-issue ng resibo.
“Marami nang nagawa, yung mga makina naka-configure na yan, yung mga teachers natin kalahati nap o ang nate-train eh pero hindi po natin sila na-train sa resibo eh.” Pahayag ni Bautista.
Hindi rin aniya ubrang mai-imprenta ang resibo kung walang on-screen verification.
“Ang aming takot din is sa ating mga botante kumbaga may mga bagong features na makikita nila for the first time, hindi natin puwedeng iimprenta ang resibo kung walang on-screen verification, kailangan magkasama ang dalawa, unless again magkaroon ng source code review at magkaroon ng panibagong trusted build pero mas lalo lang pong tatagal yan.” Dagdag ni Bautista.
By Meann Tanbio | Karambola