Wala nang ibibigay na hazard pay sa mga gurong pisikal na babalik sa kanilang trabaho sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Annalyn Sevilla ang hazard pay sa ilalim ng Administrative Order 26 ay para lamang sa mga nasa enhanced community quarantine (ECQ) at hindi na otorisadong ibigay sa mga guro sa mga nasa GCQ areas.
Sa halip na pagbabayad ng hazard pay ipinabatid ni Sevilla na pina plantsa na nila ang alternative working arrangement para malimita ang pagta trabaho sa labas ng mga guro.
Sa ilalim nito aniya ay hindi kailangang mag report ng anim hanggang walong oras ang mga gurp dahil skeleton workforce lang naman ang kailangan at talagang may dahilan ang pinapapunta o pinagre report ng pisikal.