Mas nakararami pa ring mga guro ang nais magsilbi tuwing eleksyon.
Ayon kay Benjo Basas, chairman ng Teachers Dignity Coalition, itinuturing nilang obligasyon sa bayan ang pagsisilbi nila tuwing eleksyon.
Ipinaliwanag ni Basas na ang tinatanggal lamang naman ng Republic Act 10756 o Election Service Reform Act ang pagiging mandatory ng paninilbihan ng mga guro tuwing eleksyon.
Bahagi ng pahayag ni TDC Chairman Benjo Basas
Salary hike
Samantala, umaasa ang grupo ng mga guro na isusunod nang tignan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang sahod ng mga pampublikong guro.
Pahayag ito ni Benjo Basas, Chairman ng Teachers Dignity Coalition makaraang tiyakin ni Pangulong Duterte ang dobleng pasahod sa mga pulis at sundalo pagsapit ng Disyembre.
Ayon kay Basas,umabot lamang sa P528 pesos ang nakuha nilang dagdag sweldo ngayong 2016 kahit pa huli silang nagkaroon ng adjustment noon pang 2012.
Bahagi ng pahayag ni TDC Chairman Benjo Basas
By Len Aguirre | Ratsada Balita