Posibleng maparusahan ang mga gurong nakiisa sa isinagawang kilos protesta sa unang araw ng klase kahapon.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Jesus Mateo, ito ay kung mapapatunayan na napabayaan ng naturang mga guro ang kanilang trabaho dahil sa rally.
Mayroon aniyang umiiral na rules and regulation ang Civil Service Commission kung saan maaring maparusahan ang mga guro base na rin sa tindi ng kanilang naging violation.
Matatandaang sinalubong ng kilos protesta ng grupo ng mga guro at estudyante ang unang araw ng pasukan upang iprotesta ang pagpapatupad ng K-12 program.
By Rianne Briones