Naghain na ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga guro na nawalan ng pera sa Landbank of the Philippines.
Ayon kay Teachers’ Dignity Coalition Chairman Benjo Basas, nasa 100 pang guro ang lumapit sa kanila na nabiktima rin umano sa naturang modus.
Aabot anya sa 200,000 pesos ang halagang nawala sa bawat gurong nagrereklamo.
Matatandaang nagpasaklolo sa Department of Education (DEPED) ang nasa 20 gurong nabiktima ng umano’y ‘phishing scam’.—sa panulat ni Mara Valle