Itinuturing ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na isang babala ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo at pulis na pag-aralan ang art of assassination.
Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Edgard Arevalo, patuloy nilang ipatutupad ang kanilang hakbang para mapigilan ang taksil na pamamaraan ng pagpatay ng mga rebelde, bagama’t wala niyang banta sa seguridad ng mga sundalo.
Dagdag ni Arevalo, mahigpit din ang kanilang pagbabantay sa galaw ng mga rebelde lalo na iyong mga nasa kabundukan.
Tuloy-tuloy din aniya ang mga ikinakasa nilang lehitimong operasyon kasama ang pulisya laban sa mga rebelde na hindi lamang limitado sa mga umano’y sparrow units.
Samantala, tiniyak naman ni PNP Spokesman Col. Bernard Banac na patuloy nilang paiiralin ang tinatawag na police operational procedures sa kanilang pagharap sa mga rebelde kaalinsabay na rin ng panghihikayat sa mga ito na magbalik pamahalaan.
—-