Nakukulangan pa ang grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa ginagawa ng gobyerno upang mapigilan ang smuggling ng agricultural products sa bansa.
Ayon kay SINAG chairman Rosendo So, 10% pa lamang ng puslit na sibuyas na pumapasok sa merkado ang nasasabat ng mga otoridad.
Dapat anyang mas maghigpit ang Department of Agriculture at Bureau of Customs sa pag-monitor sa pagpasok ng mga ganitong imported agricultural products.
Iginiit ni So na ang problema sa nakalipas na taon ay walang mga inihaing kaso laban sa mga smuggler at mga broker.
Magugunita noong isang linggo ay nakasabat ang mga otoridad ng tone-toneladang puslit na sibuyas sa Divisoria, Maynila.