KINILALA ng international office for migration si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa mga hakbang ng pamahalaan sa usapin ng migration at human mobility.
Ang climate and human mobility recognition ay inaunsiyo ni Environment Secretary Antonia Yulo-Loyzaga.
Nabatid na kasama ni Marcos na nabigyan ng pagkilala ang presidente ng Sudan.
“Ito po ay isang [This is a] pavilion together with the international office for migration recognizes achievements in terms of migration and how we are handling human mobility as a whole,” ayon kay Loyzaga.
Magugunitang dumalo si Loyzaga sa global climate mobility pavilion sa Conference of Parties sa Dubai kung saan tinalakay ang mga usapin kaugnay sa human mobility at migration.
“For us at this point, we are very conscious about migration and how some countries are needing in fact to manage to retreat away from the sea but also to retreat to other countries wherein they might have to find new places to live,” dagdag pa ni Loyzaga.
Napag-alaman kay Loyzaga na ang nasabing mga usapin ang tututukan ng gobyerno ng Pilipinas.