Pinag-aaralan na ng MMDA ang mga posibleng batas upang mapigilan ang pagbabalik ng mga provincial bus sa Edsa.
Aminado si MMDA Chairman Benhur Abalos na magkakaroon ng malaking gulo sa sandaling magbalik-operasyon na ang mga provincial bus sa pangunahing thoroughfare sa Metro Manila.
Maaari anyang mabalam ang lahat ng mga improvement na inilatag ng gobyerno sa nakalipas na dalawang taon kung papayagan muli ang naturang plano.
Ayon kay Abalos, kabilang sa mga maaapektuhan ang Edsa Bus Carousel at bike lanes sa sandaling bumalik ang nasa 4,000 provincial bus.
Nakipagpulong na rin si Chairman Abalos sa Metro Manila Mayors kaugnay sa nabanggit na issue at nagkasundong gagawa ng paraan upang maiwasan ang posibleng panibagong “Traffic Armageddon”.