Inihayag ng Bureau of Quarantine (BOQ) na nakalatag na ang lahat ng mga hakbang para masigurong maiiwasan ang pagsirit at pagkalat ng monkeypox virus sa Pilipinas.
Ayon kay BOQ Director III Dr. Roberto Salvador, layunin ng kanilang ahensya na maagapan ang posibilidad ng pagpasok ng monkeypox sa bansa.
Sinabi ni Salvador na kailangang maging alerto ng boq matapos i-deklara ng World Health Organization (WHO) na global health emergency ang naturang virus.
Dagdag pa ni Salvador, mayroon na silang screening procedure at mas mahigpit na pag-momonitor sa mga traveller na nanggaling sa mga bansang may maraming kaso ng monkeypox.
Sakali naman na may makitaang skin lesions o sugat sa balat ang isang traveller, kaagad itong ipadadala sa research institute for tropical medicine o ritm para sa pagsusuri at isolation.
Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na ang lone case ng monkeypox sa bansa ay gumaganda na ang kalusugan ngunit nagpapatuloy pa rin ang kanyang isolation.
Muli namang nilinaw ng DOH na hindi pa rin kinakailangang maghigpit ng mga border sa bansa mula sa mga lugar na mayroon nang kumpirmadong kaso ng monkeypox virus.