Aminado ang Commission on Elections (COMELEC) na hindi pa sapat ang mga hakbangin nila para matiyak sa publiko ang malinis na 2016 elections.
Kasunod na rin ito ng resulta ng Pulse Asia survey kung saan 39 na porsyento ng mga botante ang naniniwalang hindi pa rin mawawala ang dayaan sa eleksyon.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, patuloy ang pagsisikap nilang maging transparent sa lahat ng kanilang hakbang para mapawi ang pangamba ng dayaan sa darating na halalan.
Puspusan aniya ang kanilang pag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa para ipaliwanag sa mga botante ang sistema ng halalan na gagamitin sa Mayo 9.
By Judith Larino