Dapat paigtingin ng mga Local Government Unit (LGU) ang kanilang hakbang kontra COVID-19.
Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, dapat mabakunahan ng mga LGU ang halos 70% ng kanilang populasyon upang maiwasan ang posible pang lockdowns.
Kung mas marami anya ang matuturukan at hihigpitan ang paglabas ng bahay ng mga hindi bakunado ay maaaring marami pang lugar ang mga maging bukas sa publiko.
Ipinunto ni Concepcion na mapo-protektahan ang mga unvaccinated kung lilimitahan sa paglabas ng bahay at posibleng magkaroon ng “bubble” para sa mga fully vaccinated person at maging lockdown-free ang ilang lugar.
Sa paraang ito naniniwala ang opisyal na magkakaroon ng tsansa na makarekober ang mga negosyo maging ang ekonomiya. —sa panulat ni Drew Nacino