Nagkakasa na ng mga hakbangin ang Maynilad at Manila Water kaugnay sa patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam.
Ayon kay Jennifer Rufo, head ng Corporate Communications ng Maynilad, nakikipag-coordinate na sila sa National Water Resources Board at MWSS para tutukan ang posibleng epekto nang bumabagsak na water level ng Angat Dam.
Kinukumpleto na aniya nila ang mga itinatayong treatment facilities at inaayos na ang ilang poso para makakuha ng dagdag ng supply ng tubig bago ang tag-init.
Samantala, tiniyak naman ng Manila Water na naka standby na ang kanilang treatment facilities at mga poso sakaling magtuluy tuloy ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam na nagsu supply ng halos 96% ng kailangang tubig sa Metro Manila.