Ilulunsad ng Department of Education (DepEd) ang ikalawa nilang national summit para sa karapatan ng mga kabataan sa edukasyon.
Pangungunahan ito ng Office of the Undersecretary for Legal Affairs na isasagawa mula Nobyembre 23 hanggang 24 na may temang “isulong! Karapatan ng bawat bata sa edukasyon sa panahon ng COVID-19″.
Ayon sa DepEd, tatalakayin sa nasabing summit ang mga hakbang upang maipagpatuloy pa rin ang K to 12 curriculum ngayong humaharap ang bansa sa “new normal” na paraan ng ekasyon dahil da COVID-19 pandemic.
Isinabay ang nasabing aktibidad na gagawin via online sa paggunita ngayong buwan ng Nobyembre bilang national children’s month.